Siyam na gintong medalya, naiuwi ng Philippine Team sa Asean school games sa Malaysia

 

Aabot sa siyam na gintong medalya ang naiuwi ng delegasyon ng Pilipinas sa katatapos na Asean School Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Education Assistant Secretary Tonisito Umali, maliban sa mga gold medals, pitong (7) silver at dalawampung (20) bronze ang napanalunan ng mga Filipino high-school students.

Sa 167 mga Filipinong mag-aaral na ipinadala ng bansa, bumida ang 17-year old at tubong General Trias, Cavite na si Jesse Lumapas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya sa larong track and field.

Bukod kay Lumapas, nakasungkit rin ng gold medals sina Evangeline Caminong sa  High-jump na nakapagtala ng 1.74 meters; Ann Katherine Quitoy na na-break ang tournament record sa Javelin Throw competition sa 49. 18 meters, naungusan niya ang reigning na si Pavithraa Jayaindran ng Malaysia noong 2017.

At gaya ng inaasahan, nangibabaw pa rin ang husay ng Team Philippines pagdating sa basketball tournament.

Ang Asean school games ay isang taunang palaro para sa mga Secondary school student athletes na inorganisa ng Asean Schools Sports Council.

Hindi lang naman ang medalya ang habol natin sa palarong ito, more on Camaraderie, cultural exchange. Incidental na lang na we benchmark with other countries. We try to look where we are right now especially in sports events and see whether our athletes are incomparable with our Asean counterparts”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *