Siyam na korporasyon at negosyante, kinasuhan ng Tax evasion sa DOJ dahil sa mahigit 134 milyong pisong hindi binayarang buwis

Siyam na korporasyon at negosyante ang ipinagharap ng BIR sa DOJ ng tax evasion complaint dahil sa mahigit 134 million pesos na bigong mabayarang buwis.

Reklamong paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code ang isinampa laban sa tatlong korporasyon na:

1. FM Group Fragrance Incorporated;
2. Rondina Construction and Development Corporation; at
3. K-Energy

Kasama sa kinasuhan ang mga opisyal ng mga kumpanya.

Anim na negosyante rin ang inireklamo ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ang mga ito ay sina Gerson Barba Molo ng LGRM Engineering and Construction Enterprises; Merope Banquil Bautista Jr. ng Tradcon Trading and Construction; Hernane Pacino Mendoza ng H.P. Mendoza Construction; Rito Alayon Jardeliza ng Master Speed Shoe Bags Enterprises; Romel Becto Bautista ng 8Bees Motion Graphics Services; at Raymundo Dominguez Beltran ng Anna and Reyson Catering Services.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *