Siyam na kumpanya at negosyante, ipinagharap ng Tax evasion sa DOJ

Sinampahan ng reklamong tax evasion sa DOJ ng BIR ang walong korporasyon at isang negosyante dahil sa bigong mabayarang buwis na umaabot sa mahigit isang bilyong piso.

Reklamong paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code o Willful Failure to Pay Taxes ang inihain ng BIR laban sa siyam.

Pinakamalaki sa hinahabol na utang sa buwis ay  sa Ski Construction Group, Incorporated at mga opisyal nito mula sa Paseo de Roxas Makati na umaabot sa 614. 73 million pesos para sa taong 2006.

Sumunod ang City Delight General Mercantile at mga opisyal nito sa Las Piñas City na may tax liability na 183.24 million pesos para sa taong 2014.

Nasa mahigit 159 million pesos naman ang hindi nabayarang buwis ni Anthony Flores Torres ng Monty’s Meat Shop sa Magallanes, Makati City para sa mga taxable year 2009 at 2010.

Tatlong counts ng tax evasion naman ang isinampa laban sa Crown Realty Company, Inc. at mga opisyal nito sa Pasong Tamo, Makati dahil sa hindi binayarang buwis na  117.63 million noong 2005, 2006 at 2010.

Kinasuhan din ng tax evasion ang Heltgard Hygiene Systems na may utang na 72 million pesos na buwis, Concept Placement Resources na mahigit 62 million pesos at Metals and Wires Manufacturing na halos 56 million pesos na mga mula sa Muntinlupa, Makati at Taguig.

Hinahabol din ng BIR ang Auto Sport 24 Corporation at Starsky’s Entertainment na parehong mula sa Makati City.

Ayon sa BIR, tuluyang kinasuhan ang mga respondents dahil sa kabiguan ng mga respondents na magbayad ng buwis sa kabila ng paulit-ulit na abiso sa mga ito.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *