Siyam na LGUs, pinuri ng DILG dahil sa magandang rehabilitation programs para sa drug users
Pinapurihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang siyam na local government units (LGUs) para sa drug rehabilitation programs sa kanilang komunidad.
Kinabibilangan ito ng munisipalidad ng Magallanes, Cavite; Bacnotan, La Union; Kalibo, Aklan; Claver, Surigao Del Norte; at mga syudad ng Lucena, Quezon; Ormoc, Leyte; Pasig; Davao Oriental; at Malaybalay, Bukidnon.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng mga kinauukulan sa ibaba para i-rehabilitate ang mga kababayan nating biktima ng droga, upang unti-unting makapagbagong-buhay at maging produktibong bahagi ng lipunan.
Aniya, ang siyam na best Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Program (CBDRP) practices ng nabanggit na mga LGU ay katunayan ng commitment ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Kaugnay nito ay hinimok ni Año ang iba pang LGUs na tularan ang siyam, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga drug user na muling maging bahagi ng lipunan, at binanggit na seryoso ang gobyerno sa kampanya nito laban sa illegal na droga.
Liza Flores