Siyam na libong runners, lumahok sa Shanghai marathon kahit may coronavirus
SHANGHAI, China (AFP) – Nasa 9,000 runners, ang lumahok sa Shanghain International Marathon.
Bago ang marathon ay binanggit ng mga opisyal na ito ay isang oportunidad para sa China, kung saan lumitaw ang virus sa huling bahagi ng nakalipas na taon bago nagkaroon ng pandemya, na maipakitang nagmove on na ito sa kabila ng nagpapatuloy na global health crisis.
Ang prestihiyosong New York, Berlin, Boston at Chicago marathons ay pawang naging biktima ng coronavirus ngayong taon, habang ang London at Tokyo ay bukas (open) lamang sa elite runners.
Ang Shanghai marathon ay itinuloy nang sumikat ang araw, makaraan ang ilang araw na pag-ulan doon, kasabay ng pagpapairal ng virus measures para maiwasan ang hawaan.
Kailangan ng runners na makapasa sa coronavirus test bago makalahok, at inatasang agad na isuot ang mask bago at pagkatapos ng takbuhan. Ang iba ay hindi na ito hunubad.
Samantala, walang overseas athletes na lumahok sa takbuhan, habang ang mga manonood naman ay sinabihang lumayo sa mga runner.
Ang distance running ay sumisikat ngayon sa China, at ayon sa state media mayroon nang “marathon fever.”
Noong Pebrero, nang i-lockdown ang bansa dahil sa pandemic, isang fanatical runner ang nag-jogging ng katumbas ng isang ultra-marathon sa loob ng maliit niyang apartment.
© Agence France-Presse