Siyam na opisyal ng Philippine Coastguard, sinuspinde ng Ombudsman

Pinatawan ng Preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang
9 na opisyal ng Philippine Coastguard dahil sa anumalya sa paggastos ng pondo na umaabot sa 27 million pesos.

Sa 15- pahinang desisyon na pirmado ni Ombudsman Conchita
Carpio Morales, suspendido ng anim na buwan at walang tatanggaping
sweldo sina Rear Admiral Athelo Ybañez at Commodore Teotimo Borja Jr .

Kasama pa sa mga pinatawan ng suspensyon sina  Commodore Joselito Dela
Cruz, Commanders Romeo Salvador Liwanag Jr. Christine Pauline Diciano,
Captains Julius Caesar Lim, Juancho Avila Maraño, Tito Alvin Andal, at
Lieutenant Commander Fatima Aleli Angeles.

Iniimbestigahan naman ang 12 pang dating opisyal ng PCG.

Nag-ugat ang kaso sa report ng Commission on Audit o COA na tumanggap umano ng cash advances na aabot sa 600 thousand hanggang 2 milyon ang mga opisyal mula sa pondo para sa office supplies.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *