Siyam na Pinoy, hinatulan ng kamatayan ng Malaysian Court
Inilabas na ng Court of Appeals ng Malaysia ang pangalan ng siyam na Pilipinong hinatulan ng kamatayan dahil sa kasong standoff na kinasasangkutan ng mga ito sa Malaysia noong 2013.
Kabilang sa mga hinatulan ay sina Julham Rashid, Virgilio Nemar Patulada, Mohammad Alam Patulada, Salib Akhmad Emali, Tani Lahad Dahi, Basad Manuel, anak ng late self-proclaimed Sultan Sulu Jamalul Kiram, Datu Amirbahar Hushin Kiram, Atik Hussin Abu Bakar, Al Wazir Osman Abdul, at Ismail Yasin.
Una nang tiniyak ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na gagawin ng gobyerno ang lahat ng ligal na hakbang upang iligtas ang siyam na Filipinong hinatulan ng kamatayan ng Malaysian Court of Appeals.
Ulat ni: Jet Hilario