Siyam patay sa nangyaring landslide sa Bangladesh
Siyam katao ang nalibing nang buhay nang magkaroon ng landslides sa Bangladesh, na naging sanhi rin ng paglikas ng libu-libong iba pa patungo sa mas mataas na lugar, bunsod ng malakas na mga pag-ulan.
Pansamantalang nanuluyan sa mga eskuwelahan ang mga residenteng iniwan ang kanilang tahanan dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog, habang mahigit sa isang milyong iba pa ang na-stranded naman sa bandang hilaga.
Ang Bangladesh, isang bansa na mayroong humigit-kumulang 170 milyong populasyon, ay kabilang sa mga bansa na pinakalantad sa mga sakuna at climate change, ayon sa Global Climate Risk Index.
Ang taunang monsoon rains ay nagdudulot ng malawakang pagkawasak taun-taon, ngunit sinabi ng mga eksperto na binago ng climate change ang weather patterns at pinataas ang bilang ng ‘extreme’ weather events.
Sinabi ni Abu Ahmed Siddique, commissioner ng northeastern Syllhet district ng Bangladesh, “At least 700,000 people have been stranded by flash floods and heavy rains in Sylhet district, and another 500,000 people in neighbouring Sunamganj district.”
Bangladesh / John SAEKI / AFP
Ang mga namatay sa landslides ay nasa southeastern Cox Bazar district.
Walo ay Rohingya refugees mula sa katabing bansa na Myanmar, at ang iba ay mula sa Bangladesh, ayon kay Amir Jafar, isang pulis na namamahala ng seguridad sa mga kampo.
Aniya, “They were sleeping in their shelters when heavy rains overnight triggered the landslides in five spots of the camps. They were buried under the mud, hundreds of refugees had been moved from areas deemed at risk. The rain is still going on.”
Nasa isang milyong Rohingya ang naninirahan sa makeshift shelters na yari sa kawayan at tarpaulins sa dose-dosenang nakakalat na mga kampo, na bahagi ng hinawang kagubatan sa dalisdis ng maliliit na burol, kung saan ang landslides ay karaniwan nang banta.
Sa Sylhet, ang malalakas na mga pag-ulan at mga ilog na umapaw dahil sa mga pagbaha sa India ay nakaapekto rin sa mga lugar na puno ng mga tao.
Sinabi ng senior local government official na si Sheikh Russel Hasan, “More than 17,000 people have been taken to shelters only in Sylhet district, and the rivers were still rising.”
Ayon naman kay Towhidul Islam, chief administrative officer ng Gowainghat, bahagi ng Sylhet, “The river had risen two centimetres (0.7 inches) in the first three hours after dawn. If the rain and water level continues to increase, the situation will get worse, like 2022.”
Ang mga pagbaha noong 2022 sa Sylhet ay isa sa pinakamalalang naitala, kung saan milyun-milyon ang na-stranded at humigit-kumulang sa isangdaan ang namatay.