Siyam sa sampung mga Pilipino, may dental health problem-DOH
Malaking factor umano ang Bottled-fed para masira ang mga ngipin ng bata.
Kahit umano maputi ang ngipin ng mga bata kung siya naman ay bottled-fed pa rin, madaling masira ang mga ngipin.
Ayon sa mga eksperto, ang gatas daw ay acidic kaya kung ito ay babad sa mga ngipin ng bata lalu na’t marupok ang kanilang milk teeth, nagsisimula itong masira.
Sa datos ng Department of Health o DOH, siyam sa bawat sampung mga Pilipino ay may dental health problem.
97 naman sa bawat isandaang mga bata na anim na taong gulang ay may tooth decay.
Sabi pa ng mga eksperto, karaniwang sanhi ng pagliban sa klase ng bata ay dahil sa toothache.
Payo ng mga eksperto, mahalagang bumibisita sa dentista at tamang orak hygiene ang kailangan upang mapangalagaan ang mga ngipin.
Ulat ni Belle Surara