Siyentipikong pamamaraan gagamitin ng DA para matukoy ang pinagmulan ng bird flu virus sa Pampanga

Naniniwala ang Department of Agriculture na hindi sa mga migratory bird nagmula ang strain ng avian influenza na tumama sa mga manok sa Pampanga.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan , ito ay dahil sa hindi pa napapanahon ng mga migratory bird na magpunta sa migratory area.

Sa ngayon aniya ay siyantipikong pamamaraan ang nais nilang malaman kaya nakipag ugnayan na sila sa mga pathology at nagpadala ng sample sa Australian animal health laboratory para matukoy kung ano ang uri ng strain at maging ang pinagmulan ng virus.

Sa ngayon target muna ng ahensiya na matapos ang culling at depopulation process ngayong araw para mapigilan ang pagkalat ng virus.

“Kung pagbabasehan natin ang migratory bird mukha naman pong hindi pa panahon na pumunta ng mga migratory bird dahil itong buwan na ito ay hindi pa nila puntahan. pangalawa kung may sakit naman ay tiyak na walang kakayahan ang mga itong maglakbay patungo sa migratory area. kaya ang ginawa natin nakipag ugnayan na tayo sa mga pathologist at tinest kung ano ba talaga ang disease na yun at kung saan saan sa bansa present para malaman natin kung ano ang pinagmulan niyan”. – Undersecretary Ariel Cayanan

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *