Siyudad ng San Fernando, sa La Union nakapagtala ng 17 gumaling sa COVID-19
Ibinalita ng lokal na pamahalaan ng San Fernando City, La Union ang 17 bagong naka-recover sa COVID-19.
Siyam sa mga ito ay mula sa Brgy. Parian, tatlo ay mula sa sa Brgy. Poro, tig-isa naman sa mga barangay ng Lingsat, Santiago Norte, San Francisco, Dalumpinas Este, at Dallangayan Oeste.
Wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing siyudad.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 453 ang nagpositibo sa San Fernando, kung saan 47 ang aktibong kaso, 396 ang nakarecover at 10 ang namatay.
Patuloy naman ang panawagan ng mga kinauukulan sa laht, na ugaliin ang istriktong pagsunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng Department of Health at gawin ang kaukulang mga pag-iingat.
Ulat ni Ashley Kim