Skeleton workforce sa mga korte na nasa Alert Levels 1 at 2 areas, magpapatuloy hanggang July 31
Mananatiling limitado ang mga on-site na kawani sa mga korte sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2 hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Ayon sa Office of the Court Administrator, ito ay dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Alinsunod sa guidelines ng OCA, pisikal na bukas ang mga korte sa mga nasabing alert levels.
Pero, 50% hanggang 75% ang bilang ng mga empleyado lang ang pinapayagan na pumasok nang pisikal sa mga korte.
Bawal muna rin ang pagsasagawa ng flag raising o lowering ceremonies.
Hindi rin muna puwede ang Saturday duty at jail visitations.
Pinapahintulutan naman ang personal filing at follow-up ng kaso pero dapat na mahigpit na sundin ang health protocols.
Sa ilalim din ng panuntunan ng OCA, pinapayagan ang fully remote videoconferencing hearings bagamat prayoridad pa rin ang face-to-face hearings.
Moira Encina