Skin care tips ngayong summer: Ating balat ay mapangalagaan
Isa sa dapat nating na pagtutuunan ng pansin ay ang pangangalaga sa ating balat lalo na ngayong tag-init .
Sa panayam kay Dra. Encarnacion Marieta Santos, Dermatologist, kapag summer karaniwang nasa listahan natin ang outing at swimming.
Kaya naman makabubuting alam natin kung paano mapangangalagaan ang balat.
Dra. Encarnacion Marieta M. Santos, Dermatologist:
” As Dermatologist, nire-recommend namin yung alam mo yung proper skin care, yung basic skin care. Use mild soap and water twice a day then sunblock in the morning. If you have night cream moisturizer in the evening, use it. Kung dry ang skin mo, use toner especially now summer ingat lang sa paggamit nung preparation na mayroong contents that can caused photosensitivity reaction.”
Dagdag pa ni Dra. Santos na kailangang maging hydrated kaya kailangan ang pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng prutas at gulay na may water content.
Ulat ni Belle Surara