Slum areas inirekomendang isama sa mga ‘danger zones’ ng NHA
Ipinanukala ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa National Housing Authority o NHA na isama rin sa listahan ng tinatawag na danger zones ang mga squatter areas na itinuturing na “fire traps”.
Ayon sa bise alkalde, ang mga informal settlers na naninirahan sa mga loteng may pribadong pag-aari ay dapat ding bigyan ng prayoridad ng pamahalaan sa relokasyon at mga housing programs.
Bukod sa pamimigay ng mga relief goods, tiningnan din ni Belmonte ang kalagayan ng may 40 pamilyang nawalan ng bahay.
Aniya, pinakiusapan siya ng mga biktima ng sunog na kausapin ang Meralco upang pagbigyan silang makabalik kahit pansamantala lang.
Pinansin din ni Belmonte ang kawalan ng presensya ng mga taga-Urban Poor Affairs Office (UPAO) na aniya’y dapat unang tumutulong sa mga nasunugang informal settlers.
===============