Small mining operation sa CAR, ipinatigil ng gobyerno dahil sa malagim na landslide sa Itogon, Benguet dulot ng bagyong Ompong
Ipinag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagpapatigil ng operasyon ng Small scale mining sa buong Cordillera Administrative Region o CAR dahil sa malagim na landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Sa briefing sa lalawigan ng Benguet naglabas ng Cease and Desist order si Secretary Cimatu upang ipatigil ang operasyon ng small scale mining sa CAR.
Ayon kay Secretary Cimatu dapat matigil ang operasyon ng small scale mining upang hindi na maulit malagim na trahedya sa isang small mining operation sa Itogon, Benguet na ikinamatay ng maraming minero na natabunan ng lupa dahil sa landslide habang nananalasa ang bagyong ompong.
Inihayag ni Secretary Cimatu pinapawalang bisa din niya ang temporary operation permit na naibigay ng denr da ilang small scale mining sa CAR.
Tiniyak ni Cimatu na gagawin lahat ng pamahalaan na makuha ang lahat ng mga natabunang minero sa landslide sa Itogon Benguet.
Ulat ni Vic Somintac