Smart agriculture, nagsusulong ng maka-agham at modernong paraan ng pagtatanim
Isa na ang Smart Agriculture sa pangunahing inobasyon na umaani ng pandaigdigang pagkilala.
Ginagamit ang Smart Agriculture upang lalong paramihin ang ani ng magsasaka, tugunan ang mga problema at mga isyung kinakaharap sa bukid, at gawing mas konektado at intelihente ang mga sakahan.
Kaugnay nito, , bumisita ang mga inhinyero ng Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering o DA-BAFE sa kaunaunahang smart greenhouse project na matatagpuan sa Bureau of Plant Industry sa Baguio City.
Layunin ng kanilang pagbisita na isulong ang malawakang pagsasagawa ng Smart agriculture sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni Radhi Abu Bakar ng Malaysian Agricultural Research and Development Institute na ginagamit sa smart agriculture ang iba’t ibang teknolohiya at aplikasyon ng internet tulad ng precision farming, variable rate technology, smart irrigation at smart greenhouses.
Dagdag pa ni Abu Bakar maaaring makapag-ani buong taon ang magsasaka dahil sa tuloy-tuloy at walang tigil ang pagtubo ng mga halaman sa isang smart greenhouse.
Belle Surara