Smell-sensing device sa Japan na nagbibigay senyales sa isang tao kapag siya ay bumabaho na

Sseryosong isyu ang Body odor, katunayan may mabibili kang device na magbibigay ng alerto sa iyo, kapag ikaw ay nagsisimula nang bumaho.

Ang problema sa body odor, ay hindi mo ito maaamoy sa iyong sarili, kaya karaniwan na sa Japan na ang mga tao ay nagbabaon ng deodorant lalu na kapag summer.

Subalit ang labis na paggamit nito ay maaaring maka-irita sa balat at pwede ring magmantsa sa damit.

Dahil dito ay may bagong naimbento ang Tanita, isang Japanese wellness device maker  ang isang handheld smell checker, na mag-aanalisa sa body odor at sinusukat ang intensity nito sa scale na 1 to 10.

Tinawag na ES-100, ang smell-sensing device ng Tanita ay  inspired ng kanilang iba’t-ibang alcohol breath analyzers.

In-adapt nila ang teknolohiya para i-check ang odor-producing particulate matter sa halip na alcohol.

Sampung segundo lamang ang itinatagal para kolektahin at ma-analisa ng ES-100 ang data, pagkatapos ay maglalabas na ito ng numerical result sa maliit nitong led display, kung saan ang 0 ay no smell, 1 to 4  ay acceptable pa ang level ng body odor mo, 5 to 9 , dapat ka nang mag-alala at ang 10 ay nangangahulugang isa ka nang walking biohazard.

Puwede ring magamit ang Tanita ES-100 sa cologne o pabango, para malaman mo kung nasobrahan ka ng paglalagay nito.

Ang ES-100 ay ini-launch noong July 1, at ang presyo nito ay ipinaubaya na sa mga retailer.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *