Smoke-free campaign, lalo pang pinaigting ng DOH, kaugnay ng paggunita sa No Smoking Month ngayong buwan ng Hunyo
Pinaalalahanan ng Department of Health ang kanilang partner agencies, schools, universities, colleges at maging ang mga magulang na tumulong na maging smoke free school facilities ang paaralang pinapasukan ng kanilang mga anak lalong lalo na at nagsimula na ang pasukan.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na batay sa pag aaral, mas dumami ang mga kabataang naninigarilyo na hanggang sa kanilang pagiging adult ay dala dala pa rin nila ang masamang bisyong ito.
Kaya naman, hinikayat ni Ubial ang young population na huwag simulan o subukan pang manigarilyo, at para naman dun sa mga naninigarilyong mga kabataan, pinayuhan niyang itigil na ang paninigarilyo.
Ayon pa kay Ubial mas mapanganib sa mga taong nakalalanghap ang usok ng sigarilyo kaysa dun sa mga naninigarilyo dahil sa mas mataas ang panganib ng second hand smoking na magkaroon ng heart disease, lung cancer, at iba pang cancers tulad ng nasal sinus cavity cancer, breast cancer, cervical cancer at bladder cancer.
Ulat ni: Anabelle Surara