Smoking Cessation Clinics, inihahanda ng DOH para sa mga titigil sa paninigarilyo

Inaasahan ng Department of Health na tataas ang bilang ng mga  hihinto sa paninigarilyo matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 26 o ang Nationwide Smoking Ban.

Dahil dito, kailangan na magkaroon din ang DOH ng Cessation Clinic na tulad ng sa Lung Center of the Philippines para matugunan ang mga nagnanais na tumigil sa paninigarilyo.

sinabi ni DOH Asec Eric Tayag na nakasaad sa E.O. na kailangang magkaroon ng health facilities o smoking cessation clinics  para sa mga titigil sa paninigarilyo.

binigyang diin ni Tayag na kung maipatutupad ng maayos ang nabanggit na E.O. malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang bilang ng mga namamatay sanhi ng paninigarilyo  na tinataya nilang 87,000 bawat taon.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *