Smugglers may ‘ghost’ assets para makapagpuslit ng illegal na produkto
Ibinunyag ni Senador Raffy Tulfo na gumagamit na rin ngayon ang mga smugglers ng mga patay, kasambahay, driver o iba pang personalidad para itago ang pagkakakilanlan at malayong makapagpuslit ng mga ilegal na produkto
Yan ang dahilan kaya hirap ngayon ang mga otoridad na tukuyin kung sino ang may tunay na may ari ng 560 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 3.8 billion sa Port of Subic noong Huwebes.
Sa budget hearing para sa hinihinging pondo ng Department of Finance sa 2024, sinabi ng Bureau of Customs na ang kargamento at nakapangalan sa kumpanyang Locar na isang one time consignee na patuloy pa na ini-imbestigahan
Pero ayon kay Tulfo, malabo na itong matunton ng mga otoridad.
“There is ongoing operations i will reveal to you personnaly.” pahayag ni BOC Deputy Commissioner Juvymax Uy
Ayon kay Senador Raffy Tulfo “Wala kayong mahuhuli kasi nakapangalan diyan mga taong hindi niyo na makikita magpakailanman karamihan sa mga consignee driver tambay o dili kaya patay na binuhay and you guys in customs knows that and yet nakakalusot.”
Sabi ng Senador dahil umano ito sa maluwag na patakaran ng customs sa pagbibigay ng permit sa mga consignee o mga nais na magpasok ng mga high value products sa bansa
“Mayroon ba kayong ginagawa may requirement na magsabi 5 years of tax return from the BIR hindi sila haoshiao hindi sila illegal kasi kung isang taon nakakalusot mayroon limang taon na return sa consignee pati brokerage check ninyo ba sa BIR totoo para magkaroon ng consignment.” dagdag pa na pahayag ng mambabatas.
Katunayan aniya nito ang pagkakabasura ng Department of Justice sa 76 sa may isandaan at limamput siyam na kasong nakasampa laban sa mga hinihinalang smugglers dahil sa kawalan ng probable cause.
Mungkahi ni Tulfo, linisin ang listahan ng mga consignee o listahan ng mga nais magpasok ng mga produkto sa Pilipinas kung talagang seryoso ang customs na masugpo ang mga smugglers
“That is the reason kung bakit time and time again kahit marami kayong huli hindi nakukulong naaabswelto lang dahil sa lack of probable cause bakit paano makukulong kung patay na nasa sementeryo namamahinga na.” patuloy pa na sabi ng mababatas
Nakastigo rin ni Senador JV Ejercito ang mga taga Customs
May impormasyon ang Senador na mas mura ang assesment sa Port of Subic ng mga ipinapasok na produkto kumpara sa ibang pantalan na pangamba niya maaaring pinagkakakitaan ng ilang tiwaling opisyal
Malaki aniya ang nawawalang kita sa gobyerno dahil sa mga misdeclared at mga undervalued products na dapat aksyunan ng BOC
“We have receive reports that a chicken leg quarter is valued half compared to other ports bakit ganoon hindi ba dapat pare-pareho iisa lang ang assement sa lahat bakit iba-iba maging source of smuggling may kausap sino man nag-a-asses dito niyo ipasok sa Subic mas mura dito baka may usapan na sila notorious ang prepared entry of Agri Products.” Wika ni Senador JV Ejercito
Depensa naman ng Sustoms, pare-pareho ang ginagawa nilang valuation sa mga produkto pero nangako sa mga Senador na iimbestigahan ang isyu
Meanne Corvera