Snap lockdown ipinag-utos sa Brisbane, Australia matapos magkaroon ng virus outbreak

A deserted Riverside Expressway is seen on the first day of a snap lockdown in Brisbane on January 9, 2021, with officials elsewhere in Australia on “high alert” over the emergence of more contagious strains of the Covid-19 coronavirus. (Photo by Patrick HAMILTON / AFP)

BRISBANE, Australia (AFP) — Higit dalawang milyong katao sa Brisbane ang isinailalim sa tatlong araw na lockdown ngayong Lunes, matapos maka-detect ng isang cluster ng coronavirus cases sa ikatlong pinakamalaking syudad sa Australia.

Ito na ang ikalawang snap lockdown sa Brisbane area ngayong taon, at nangyari ito matapos magpositibo ang pito katao sa COVID-19, ang unang community outbreak sa Australia sa nakalipas na ilang linggo.

Sinabi ni Queensland state Premier Annastacia Palaszczuk . . . “This is the UK strain. It is highly infectious. We need to do this now to avoid a longer lockdown. We’ve seen what’s happened in other countries. I don’t want to see that happen to Queensland, I don’t want to see that happen to Australia.”

Ang Australia ay naging matagumpay sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19, kung saan higit 29,000 lamang ang nagging kaso at 909 ang nasawi hanggang sa kasalukuyan.

Gayunman, mabagal ang rollout ng bakuna sa bansa, kung saan higit 500,000 pa lamang ang nabakunahan mula sa 25 milyon nilang populasyon, malayo sa target ng gobyerno na makapagbakuna ng apat na milyon sa pagtatapos ng Marso.

Ayon kay Palaszczuk, magiging bahagi na ng buhay ng mga Australyano ang lockdown hanggang sa ang lahat ay mabakunahan.

Hindi katulad ng ibang mga bansa gaya ng Estados Unidos at Britanya, ang Australia ay hindi nagkaloob ng emergency approval para sa alinmang bakuna at hinintay ang huling bahagi ng Pebrero pa simulant ang pagbabakuna. Lalo pa itong naapektuhan ng delivery issues, kabilang na ang desisyon ng Italya na i-block ang pag-aangkat ng  250,000 COVID-19 vaccine doses.

Bago ang anunsyo, ang Brisbane ay kabilang sa ilang syudad sa Australia na may maluwag na restriksyon, kung saan ang mga residente ay malayang nakadadalo sa mga kaganapan gaya ng concerts at sporting events.

Dahil sa lockdown ay isinara na ng South Australia ang kanilang border sa Brisbane at inaasahang susunod na rin ang iba pang estado.

Simula ngayong Lunes ay isasara na ang mga paaralan sa Brisbane, maging ang restaurants at bars ay sarado rin mula ala-5:00 ng hapon, subalit papayagan pa rin ang mga tao na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain, mag-ehersisyo at kung kailangan ng serbisyong medical o kung ang kanilang trabaho ay itinuturing na “essential.”

May mga lumabas na images sa social media kung saan makikita ang mahabang pila sa mga supermarket, dahil may ilang customers na namili ng marami sa kabila ng paalala ng mga awtoridad na huwag mag-panic buying.

Nagsimula na ring maging mandatory ang pagsusuot ng mask sa magkabilang panig ng Queensland, matapos bumiyahe sa regional town ng Gladstone ang isang taon na infected ng virus.

Kakalahatiin din ang bilang ng international flight arrivals sa estado upang mabawasan ang pressure sa mga ospital, na nahaharap ngayon sa biglang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 mula sa katabing Papua New Guinea.


© Agence France-Presse

Please follow and like us: