Social innovation, Governance at Corporate responsibility, tatalakayin sa Asian forum on Enterprise for Society
Tatalakayin sa isinasagawang dalawang araw na Asian forum on enterprise for society ang tungkol sa Social Innovation, Governance at Corporate sa Asean.
Naging panauhing pandangal sa opening ng forum si Vice-President Leni Robredo.
Tinalakay ng Bise-presidente ang ilang mga suliranin ng bansa lalo na sa usapin ng Anti-poverty.
Tinalakay din ni Robredo ang ukol sa mga platforms at teknolohiya na madalas na nagiging dahilan ng mga pinagkukunan ng mga maling impormasyon o fake news.
Ayon kay RMAF Board of Trustees Mr. Senen Bacani, mahalaga anila ang isang sustainable future at hindi ito isang pangarap lamang dahil mahalaga din na maingatan ang ating kapaligiran para sa darating na panahon.
May temang “the future re-imagined” tampok din sa forum ang ukol sa governance, health care, finance, education energy and social enterprises sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang asean.
Kabilang din sa mga tinalakay ay kung papaano mapapaunlad ang edukasyon sa iba’t -ibang mga bansa lalo na ang mga lugar na malayo sa teknolohiya.
Dinaluhan ang nasabing forum ng mga delegado mula sa iba’t- ibang mga bansa sa gayundin sa Asean region na mula sa iba’t- ibang mga korporasyon upang pag usapan ang ukol sa mga kaparaanan para mas mapaunlad pa ang mga negosyo at mga technology innovation ng mga bansa kabilang na ang Asean.
Samantala humingi din ng paumanhin si Robredo matapos batikusin ng netizens dahil sa hindi angkop na pagpapakuha nito ng litrato sa tinaguriang Holocaust memorial.
Responsibilidad aniya niya ang nangyari kaya humingi sya ng dispensa sa mga nasaktan at mga na-offend dahil sa hindi angkop na pagpapakuha niya ng litrato.
Matatandaang binatikos ng netizen si Robredo kasama na ang mga liberal party lawmakers at tinawag ito ng mga netizen na disrespectful.
Ulat ni Earlo Bringas