Social media influencers, nais i-regulate ng French parliament
Nakatakda nang ipasa ng upper house Senate ng French parliament, ang isang batas na lalong makapagre-regulate sa mga social media influencer, sa pamamagitan ng paglilimita at pag-regulate sa kanilang abilidad na mag-endorso ng mga produkto.
Una nang binigyan ng go signal ng lower house National Assembly ang panukalang batas na mayroong malawak na suporta ng partido — na lubhang hindi karaniwan sa kasaluyang tensiyonadong political climate ng France — makaraang ipanukala ng mga deputy mula sa Socialist Party at ng Renaissance faction ni Pangulong Emmanuel Macron.
Inaasahang ibibigay na rin ng Senado na dominado ng mga maka-kanan, ang kanilang boto.
“The law of the jungle is over,” ito ang sinabi ni Arthur Delaporte ng Socialist Party na kasamang nagsulong sa panukala ni Stephane Vojetta ng Renaissance, na nagsabi namang “the text will protect consumers, especially the youngest ones.”
Maraming influencer ang may katamtamang audience, ngunit ang ilang celebrities na may milyun-milyong subscriber ay maaaring maka-impluwensya sa gawi ng consumer, lalo na ng mga kabataan.
Layon ng panukalang batas na itago ang katayuan ng mga influencer bilang mga legal entity, na ginagamit ang kanilang katanyagan upang i-promote ang mga produkto at serbisyo.
Ipagbabawal din nito ang promosyon ng ilang partikular na kasanayan — gaya ng cosmetic surgery — at ipagbabawal o mahigpit na kokontrolin ang promosyon ng ilang medical devices.
Target din nito ang sports betting at games of chance. Ang mga influencer ay hindi na makapagpo-promote ng mga subscription sa sports forecast services, at ang pagpo-promote ng games of chance ay lilimitahan sa mga platform na may kapasidad na ipagbawal na ma-access ito ng mga menor de edad.
Ang mga lalabag ay maaring maharap sa parusang hanggang dalawang taong pagkakakulong at 300,000 euro ($321,000) multa.