Social media, nagagamit na rin umano sa recruitment ng mga terorista
Maging ang mga social networking sites ay nagagamit na rin umano ng mga terorista sa pagre-recruit ng mga miyembro nito.
Kaya naman ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson General Edgard Arevalo ay nais nilang makasama sa ituturing na isang Criminal Act sa ilalim ng isinusulong na pag-amyenda sa Human Security Act (HSA).
Gen. Edgard Arevalo:
“With the advent of social media, nakita po natin base sa pag-aaral na ang karamihan sa pag-recruit ng mga terorista ay ang social media at dyan po makikita natin maraming post especially ng grupong Isis that glorifies terrorism.
Kasama sa mga nais ni Arevalo na maipagbawal ay ang pagpapakalat sa pamamagitan ng pag-share sa social media ng mga brutal na pagpatay na ginagawa ng mga teroristang grupo.
Umaasa naman si Arevalo na makakakuha sila ng sapat na suporta sa mga mambabatas para maamyendahan ang HSA upang mas magkaroon ito ng ngipin kontra terorismo.
Paliwanag ni Arevalo maraming probisyon ng HSAa ay hindi akma at sa halip ay nakakahadlang pa para magampanan ng mga awtoridad ang kanilang trabaho.
Nais din ng opisyal na maisama sa bagong batas ang pag freeze sa ari-arian ng mga sangkot sa terorismo.
Binigyang diin naman ni Arevalo na walang dapat ikabahala ang publiko dahil sila sa AFP ay tinitiyak na prayoridad ang pagsigurong walang malalabag na karapatang pantao.
Ulat ni Madelyn Moratillo