SOJ Crispin Remulla at Japanese Ambassador to the PH Koshikawa Kazuhiko nagpulong sa DOJ
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko kung saan nakipagpulong ito kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Ayon kay Remulla, pangunahin sa tinalakay sa kanilang pag-uusap ang ukol sa mga kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa immigration at ang exhange of nationals.
Kabilang na rito ang pagpigil sa human trafficking at mga pugante.
Napagusapan din aniya ang mga cooperation agreement ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya.
Kinilala naman ng kalihim ang Japan bilang isa sa mga pinakamahalagang trading partner ng Pilipinas.
Inanunsiyo rin ni Remulla na inimbitahan siya sa Japan para sa isang mahalagang pagpupulong sa Hulyo ng susunod na taon.
Moira Encina