SOJ Guevarra idinipensa ang direktiba ni PRRD na pagbawalan ang mga gabinete na humarap sa pagdinig ng Senado
Hindi raw defiance o paglaban sa prerogative ng Senado na magsagawa ng mga pagdinig ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang direktiba ng presidente ay protesta sa paraan ng pagsasagawa ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
Aniya madaming oras na ang nawala sa mga opisyal ng ehekutibo na may tinutugunang public health emergency nang dahil sa mga nasabing hearing ng Senado.
Naniniwala si Guevarra na puwedeng magkasundo at magkaroon ang sangay ng ehekutibo at lehislatura ng reasonable arrangements upang parehong magampanan ang kanilang mandato.
Moira Encina