SOJ Menardo Guevarra, tumangging magkomento sa pag-apela ni Senador De Lima sa Korte sa pagbasura ng Ombudsman sa kanyang kaso laban kay Guevarra

photo credit: pna.gov.ph

Tumanggi si Justice Secretary Menardo Guevarra na magkomento sa paghain ng apela ni Senador Leila de Lima sa Court of Appeals sa ginawang pagbasura ng Office of the Ombudsman sa kanyang kaso laban sa kalihim.

Ito ay kaugnay sa gross neglect of duty complaint na inihain ng senadora laban kay Guevarra noong 2018 dahil sa paggamit nito sa drug convicts bilang state witness sa kaso laban sa kanya.

Sinabi ni Guevarra na kung iniakyat ni De Lima ang kaso sa CA ay subjudice na ito o hindi na siya maaaring magbigay ng pahayag ukol sa isyu sa publiko.

Kung aatasan siya ng hukuman na maghain ng komento ay saka siya magsusumite ng komento sa kaso.

Ayon sa kalihim, hindi niya polisiya na talakayin sa publiko ang mga kaso na Under Litigation o review dahil maaari siyang mapatawan ng Contempt ng Korte.

Gayunman, inihayag ni Guevarra na malaya si De Lima na gamitin ang lahat ng legal remedies gaya ng ginawa nito mula nang masampahan ng mga seryosong kriminal na kaso sa mga Hukuman.

SOJ Menardo Guevarra:

I just came to know about this today. if it’s true that the matter has been elevated to the CA, then it’s Subjudice. If asked to comment, I will make the comment in court. It is not my policy to discuss in public cases which are under litigation or review, because such act may constitute contempt of court which is punishable under existing rules, suffice it to say that Senator De Lima is free to take all available legal remedies, as she has freely done since the time that she was indicted for serious criminal offenses”.

Moira Encina

Please follow and like us: