SOJ Remulla binalaan ang abogado ng anak na huwag iaapela sa DOJ ang kaso
Bilang patunay na hindi makikialam sa kaso ng kaniyang anak, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi pa siya nakikipag-usap sa anak na si Juanito Jose mula nang maaresto ito ng mga awtoridad.
Binigyang-diin din ni Remulla na hindi sIya humingi ng pabor kahit kanino patungkol sa kaso.
Nabatid na isang kaanak nila ang kinuha ng pamilya Remulla para kumatawan kay Juanito Jose.
Pero tiniyak ng kalihim na walang kaugnayan sa Department of Justice (DOJ) ang nasabing abogado.
Pinayuhan rin niya ang nasabing abogado na huwag maghahain sa kaniyang tanggapan ng petition for review patungkol sa kaso ng kaniyang anak.
Sa ilalim ng rules, anumang pasya na ipinalalabas ng city at provincial prosecutors ay maaaring iakyat o kuwestyunin sa tanggapan ng justice Smsecretary sa pamamagitan ng petition for review.
Giit ng kalihim, sa korte ito dapat harapin at hindi sa kaniyang tanggapan.
Pagtiyak nito, mananatili sIyang nakatutok sa kaniyang trabaho bilang justice chief.
Anuman aniya ang kahinatnan ng kaso ng kanIyang anak ay hindi sIya makikialam dito.
Moira Encina