SolGen Calida, tiwalang hindi na babaguhin ng SC ang desisyon na sumusuporta sa deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao
Tiwala si Solicitor General Jose Calida na hindi na babaguhin ng Supreme Court ang desisyon na sumusuporta sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Calida kasunod ng plano ng ilang grupo na umapela sa Korte Suprema para hilinging baliktarin ang desisyon sa pagdedeklara ig Pangulong Duterte ng batas militar sa buong isla ng Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City.
Aniya dahil sa supermajority votes ng SC Justices na nagdedeklarang constitutional ang Proclamation No. 216, ibig sabibin ay may sufficient factual basis sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Noong nakaraang linggo, inihayag ng opposition lawmakers na pinangungunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman na umapela sa kataas-taasang hukuman dahil umano sa “serious errors” sa desisyon nito.