Solicitor General Jose Calida pinuri ang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Sereno
Pinuri at pinasalamatan ni Solicitor General Jose Calida ang Korte Suprema sa desisyon nito na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang Punong Mahistrado.
Ang OSG ang naghain ng Quo warranto case laban kay Sereno sa Supreme Court dahil sa isyu ng integridad matapos na mabigong magsumite ng mga Statements of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Ayon kay Calida, makakabuti sa bansa ang desisyon ng Supreme Court na ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno sa pwesto dahil sa mapapanatili nito ang katatagan at integridad ng Kataas-taasang Hukuman.
Anya ang ruling ng Korte Suprema sa Sereno Quo warranto ay pagpapakita sa pagiging independent ng Hudikatura.
Sinabi ni Calida na nanatiling tapat ang mga mahistrado sa kanilang sinumpaang tungkulin at sa rule of law sa kabila ng mga ingay ng mga nagpapanggap na kampeon ng Konstitusyon.
Ulat ni Moira Encina