South Korea, kinumpirma ang unang mga kaso ng bagong variant ng COVID-19
SEOUL, South Korea (AFP) — Tatlong kaso ng isang partikular na nakahahawang coronavirus variant na kamakailan ay lumitaw sa Britanya, ang nakumpirma sa South Korea.
Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA), ang tatlong indibidwal ay mga miyembro ng isang London-based family na dumating sa South Korea noong December 22.
Sa pahayag ng KDCA, ang mga ito ay isinailalim na sa isolation mula nang magpositibo sa COVID-19 nang sila ay dumating.
Ang bagong strain ng virus na lumitaw sa mga unang bahagi ng Disyembre sa Britain, ay umabot na sa ilang European countries, maging sa Canada, Jordan at Japan.
Ang bagong strain, na pinangangambahan ng mga eksperto na higit na nakahahawa, ay nagbunsod para magpatupad ng travel restrictions sa Britain ang higit sa 50 mga bansa.
Kabilang sito ang South Korea, na nagban ng flights mula Britain hanggang sa katapusan ng 2020.
Tinitingnan na rin ng South Korean authorities ang kaso ng isang elderly South Korean man, na makaraang mamatay ay mnagpositibo sa COVID-19 test, matapos bumalik mula sa Britain sa unang bahagi ng buwang ito.
© Agence France-Presse