South Korean audience, pinabilib ng isang orchestra-conducting robot
Napahanga ang mga taga South Korea sa debut performance ng isang orchestra conductor na robot.
Pinangalanang “EveR 6,” ang five-foot-ten-inch-tall (1.8m) na robot, ang nanguna sa higit 60 musicians ng National Orchestra of Korea sa pagtugtog ng tradisyunal na Korean instruments.
Matagumpay na ginabayan ng robot ang mga manunugtog nang mag-isa at minsan ay sa pakikipagtulungan ng isang human maestro na nakatayo sa tabi nito nang halos kalahating oras, upang aliwin ang mahigit 950 manonood na pumuno sa National Theater of Korea.
Ang robot ay pinaulanan ng palakpakan nang una itong lumitaw mula sa ibaba ng entablado sa isang elevator at humarap sa mga manonood, at yumuko bilang pagbati.
Sa buong pagtatanghal, ang asul na mga mata ng robot ay hindi kumukurap sa pagkakatingin sa mga musikero, kundi tumatango-tango lamang ang ulo nito.
Ayon sa 19-anyos na si Kim Ji-min, isang college student na may major sa music at isa sa mga nanood, “The rookie performed well on its stage debut. I came here worried whether this robot could pull this off without a glitch. But I found it to be in great harmony with the musicians… It felt like a whole new world for me.”
Bagama’t may mga musical performance nang pinangunahan ng mga robotic conductor noong nakaraan, kabilang ang isang 2017 concert na pinamunuan ng robot na si YuMi sa Italy, ito ang unang pagkakataon na nasaksihan ng mga South Korean ang isang robotic conductor sa entablado.
Photo courtesy of AFP
Si EveR 6, na binuo ng Korea Institute of Industrial Technology na pinatatakbo ng estado, ay naka-program upang gayahin ang mga galaw ng isang human conductor sa pamamagitan ng motion capture technology.
Gayunman, hindi pa nito kayang makinig o mag-improvise sa real-time, kaya sinabi ni Song Joo-ho, isang music columnist na nanood sa performance ni EveR 6, na ang improvising at kakayahang makipag-usap sa musicians in real-time ang susunod na malaking hakbang, kailangan aniya ito kapag nagkamali ang musicians o magkaroon ng iba pang problema sa panahon ng isang pagtatanghal.
Sa kasalukuyan ay tina-trabaho na ng mga developer ni EveR 6 na makagawa ito ng hindi pre-programmed na mga galaw ayon sa engineer ng robot na si Lee Dong-wook.
Sinabi ni Song Joo-Ho, “Improvising and communicating with musicians in real-time is the next big step. It needs to improvise in real-time when musicians make a mistake or things go wrong.”