South Korean president nais ng ruling party leader na agad na ipasuspinde

Protesters hold placards during a candlelight vigil to condemn South Korean President Yoon Suk Yeol's surprise declarations of the failed martial law and to call for his resignation in Seoul, South Korea, December 5, 2024. REUTERS/Kim Kyung-Hoon

Sinabi ng ruling party leader ng South Korea, na kailangang alisin na sa kapangyarihan si President Yoon Suk Yeol sa pagtatangkang magpatupad ng martial law, ngunit hindi naman hinimok ang mga miyembro na bumoto para sa impeachment.

Ginulat ni Yoon ang bansa at ang saili niyang People Power Part (PPP) noong Martes, nang magdeklara siya ng martial law upang alisin ang aniya’y “anti-state forces” at mapagtagumpayan ang mga kalaban niya sa pulitika.

Muli niya itong binawi mga anim na oras kalaunan makaraang bumoto ng parliyamento, kabilang ang ilang miyembro ng kaniyang partido, laban sa kautusan.

Ang main opposition Democratic Party ay nagtakda ng isang impeachment vote sa Sabado ng gabi, at ang national police ay naglunsad naman ng isang imbestigasyon kay Yoon kaugnay ng insureksiyon na inihain ng opposition party at mga aktibista.

Sa kaniyang pagsasalita pagkatapos ng isang pulong ng PPP sa parliyamento, sinabi ni leader Han Dong-hoon na sa panahon ng deklarasyon ng martial law ay ipinag-utos ni Yoon ang pag-aresto sa prominenteng mga politiko dahil kabilang umano ang mga ito “anti-state forces.”

Nitong Huwebes ay sinabi ng ruling party na kontra ito sa impeachment ngunit iminungkahi ni Han na maaaring magkaroon ng pagbabago kaugnay ng “credible evidence” na intensiyon ni Yoon na arestuhin at ikulong ang political leaders sa Gwacheon, na nasa timog lamang ng Seoul.

Sinabi ni Han, “I said yesterday that I would try not to pass this impeachment in order to prevent damage to the people and supporters caused by the unprepared chaos, but I believe that President Yoon Suk Yeol’s immediate suspension of office is necessary to protect the Republic of Korea and its people in light of the newly revealed facts.”

Hindi naman siya tahasang nanawagan para sa impeachment o sumagot sa mga mamamahayag nang hingan siya nang paglilinaw.

South Korean ruling People Power Party’s leader Han Dong-hoon leaves after a press conference following the 22nd parliamentary election day in Seoul, South Korea, April 11, 2024. REUTERS/Kim Hong-Ji/File photo

Sinabi ng isang opisyal ng Democratic Party, na dahil sa pangamba ng isa pang pagtatangka na magdeklara ng martial law, umiikot ang opposition lawmakers sa plenary session hall ng parliyamento upang harangin ang anumang katulad na pagtatangka.

Ang PPP ay nagdaraos ng pinalaking pagpupulong kasama ang mga rank-and-file na mambabatas, upang talakayin ang impeachment ni Yoon.

Ayon kay Cho Kyoung-tae, isang senior ruling party lawmaker na sumusuporta sa impeachment ni Yoon, “Each party lawmaker must now decide whether they want to take the people’s side or become collaborators of martial law forces.”

Sinabi naman ng iba na ayaw na nilang maulit ang 2016 impeachment ng noo’y Pangulo na si Park Geun-hye, na nag-trigger ng “implosion” ng conservative party at isang tagumpay para sa liberals sa presidential at general elections.

Ayon kay Yoon Sang-hyun, isang five-time ruling party lawmaker, na tutol pa rin siya sa impeachment, at nagreklamong hindi kinonsulta nag mabuti ni Han ang senior party members.

Aniya, “We cannot impeach the president tomorrow and hand over the regime to Lee Jae-Myung’s Democratic Party. It is not for the sake of protecting President Yoon Suk Yeol, but for the sake of the Republic of Korea’s system and our children’s future. I cannot participate in the impeachment of the president tomorrow.”

Sinabi naman ni Ahn Gwi-ryeong, isang tagapagsalita para sa opposition Democratic Party, “I believe the people had already psychologically impeached Yoon.”

Images of Ahn grappling with a soldier and grabbing hold of his gun outside parliament on Tuesday went viral on social media as a symbol of the country’s defiance against martial law.

Sinabi pa niya, “Who could trust a president declaring martial law almost like a child playing games or entrust the nation to such leadership?”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *