South Korean president, pinagbibitiw o mahaharap sa impeachment kaugnay ng martial law declaration
Nanawagan ang mga mambabatas ng South Korea kay President Yoon Suk Yeol na magbitiw na o maharap sa impeachment, makaraan niyang magdeklara ng martial law na binawi naman makalipas ang ilang oras, na nagdulot ng isang political crisis.
Ang sorpresang deklarasyon Martes ng gabi ay naging sanhi ng standoff sa parliyamento na tinanggihan ang kaniyang pagtatangka na ipagbawal ang political activity at i-censor ang media, habang puwersahan namang pinasok ng military troops ang gusali ng National Assembly sa Seoul.
Nanawagan ang main opposition Democratic Party kay Yoon na nagsimulang manungkulan noong 2022, na magbitiw na o maharap sa impeachment.
People take part in a rally to demand South Korean President Yoon Suk Yeol’s removal from power, in Seoul, South Korea, December 4, 2024. REUTERS/Kim Soo-hyeon
Sinabi ng senior DP member ng parliyamento na si Park Chan-dae, “It was clearly revealed to the entire nation that President Yoon could no longer run the country normally. He should step down.”
Ayon naman sa anim na South Korean opposition parties, isusumite nila ngayong Miyerkoles ang impeachment bill ni Yoon at ang botohan ay gaganapin sa Biyernes o Sabado.
Nanawagan naman ang lider ng ruling People Power Party ni Yoon na patalsikin si Defense Minister Kim Yong-hyun at magbitiw ang buong gabinete.
Sa isang TV addess Martes ng gabi, ay sinabi ni Yoon sa buong bansa na kailangan ang martial law upang ipagtanggol ang bansa mula sa nuclear-armed North Korea at pro-North anti-state forces, at protektahan ang kanilang malayang constitutional order, bagama’t wala siyang binanggit na tukoy na banta.
Nagkaroon ng kaguluhan nang tangkain ng military troops na kontrolin ang parliament building, inispreyan sila ng fire extinguishers ng parliamentary aides, habang nagkasagupa naman ang mga pulis at mga protester sa labas ng gusali.
People watch a TV screen broadcasting a news report on South Korean President Yoon Suk Yeol’s declaration of martial law and the following announcement that he will lift the martial law, after parliamentary vote, at a railway station in Seoul, South Korea, December 4, 2024. REUTERS/Kim Soo-hyeo
Sinabi ng military ang ipagpapawal ang mga aktibidad ng parliyamento at political parties, at isasailalim ng martial law command ang media at publishers.
Subali’t tinutulan ng mga mambabatas ang security cordon at makalipas ang ilang oras matapos ang deklarasyon, ang South Korean parliament kung saan presente ang 190 sa 300 miyembro nito, ay nagkakaisang bumoto na ipasa ang isang mosyon na nag-aatas na bawiin ang martial law, kabilang ang 18 miyembro mula s apartido ni Yoon. Pagkatapos nito ay binawi na ng pangulo ang deklarasyon.
Nagbunyi naman ang mga protester na nasa labas ng National Assembly.
Sinabi ng isang South Korean presidential official, “There are opinions that it was too much to go to emergency martial law, and that we did not follow the procedures for emergency martial law, but it was done strictly within the constitutional framework.”
Marami pang mga protesta ang inaasahan kung sana ang pinakamalaking koalisyon ng unyon ng South Korea, ang Korean Confederation of Trade Unions, ay nagpaplanong magsagawa ng isang rally sa Seoul at nangakong magwewelga hanggang sa magbitiw si Yoon.
Hinimok naman ng US embassy ang kanilang mga mamamayan na nasa South Korea, na iwasan ang mga lugar na pinagdarausan ng mga protesta, habang pinayuhan naman ng ilang malalaking kompanya gaya ng Naver Corp at LG Electronics Inc., ang kanilang mga empleyado na mag-work from home.
Kaya ng National Assembly na i-impeach ang pangulo kung mahigit sa two-thirds ng mga mambabatas ang boboto para rito. Isang trial naman ang gagawin ng constitutional court, na kukumpirma sa impeachment kung boboto ang anim sa siyam na mga mahistrado pabor dito.
Kontrolado ng partido ni Yoon ang 108 puwesto sa lehislaturang may 300 miyembro.
People take part in a rally to demand South Korean President Yoon Suk Yeol’s removal from power, in Seoul, South Korea, December 4, 2024. REUTERS/Kim Soo-hyeon
Sakaling magbitiw o mapatalsik sa puwesto si Yoon, si Prime Minister Han Duck-soo muna ang magiging lider ng bansa, hanggang magkaroon ng bagong halalan sa loob ng 60-araw.
Ayon kay Danny Russel, vice president ng Asia Society Policy Institute think tank sa United States, “South Korea as a nation dodged a bullet, but President Yoon may have shot himself in the foot,” na ang tinutukoy ay ang unang martial law declaration sa South Korea simula noong 1980.
Sinabi naman ni US Secretary of State Antony Blinken, na tanggap niya ang desisyon ni Yoon na bawiin ang martial law declaration.
Aniya, “We continue to expect political disagreements to be resolved peacefully and in accordance with the rule of law.”
Nasa South Korea ang humigit-kumulang sa 28,500 American troops bilang pamana ng 1950-1953 Korean War.
Ang nakaplanong defense talks at isang joint military exercise sa pagitan ng dalawang magka-alyado ay ipinagpaliban sa gitna ng mas malawak na diplomatic fallout mula sa magdamag na kaguluhan.
Ipinagpaliban ng prime minister ng Sweden ang kaniyang pagbisita sa South Korea, ayon sa isang tagapagsalita, at kinansela naman ng Japanese lawmaker group on Korean affairs ang kanilang biyahe sa Seoul na nakatakda sana sa kalagitnaan ng Disyembre.