Southbound lane ng Roxas Boulevard sa Pasay city, isasara sa sabado
Simula sa sabado isasara na sa mga motorista ang Southbound lane ng Roxas Boulevard sa Pasay city.
Alas sais ng umaga sa sabado sisimulan ang pagsasara sa animnapung metro ng kalsada mula sa HK Plaza na tatagal ng dalawang buwan.
Ayon sa DPWH, kailangan nang kumpunihin ang nasirang box culvert dahil delikado na ito para sa mga motorista.
Naglatag naman ng mga alternatibong ruta ang MMDA para sa mga apektadong motorista.
Ang mga private at public utility vehicle mula sa Roxas boulevard maaaring kumanan sa CCP area, Jalandoni patungong Macapagal, Caviteno coastal area.
Maari ring kumanan sa Buendia, jalandoni hanggang sa Macapagal boulevard.
Sa mga trailer trucks naman na manggagaling sa Pier , maaring kumaliwa sa E Bonifacio, diretso sa P Burgos, Ayala Boulevard, San Marcelino, Quirino hanggang makarating sa SLEX.
Mula sa Roxas Boulevard , maari ring kumaliwa sa President Quirino , patungong SLEX hanggang sa kanilang destinasyon.
Paglilinaw ni Abalos , isasara ang Northbound lane oras na matapos ang Southbound para hindi it maging masyadong mabigat sa mga motorista.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ito ang magandang pagkakataon para isara ang kalsada dahil kakaunti ang mga lumalabas na motorista dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Meanne Corvera