Southbound lane ng Roxas boulevard sa Pasay city, isasara simula sa December 26
Ininspeksyon ni MMDA Chairman Benhur Abalos at mga opisyal ng DPWH ang nabutas na box Colbert sa isang bahagi ng Roxas boulevard sa harap ng HK sun plaza.
Ayon kay abalos, kailangan na itong kumpunihin dahil delikado na para sa mga motorista.
Ang problema ayon kay Abalos ang idudulot nitong matinding traffic.
Sa datos ng MMDA limamput tatlong libong motorista ang dumadaan sa lugar kada araw kasama na ang dalawang libong ten wheeler truck na may dalang essential goods patungong southern part ng bansa.
May nakahanda na raw silang rutang maaring gawing alternatibong daanan habang sarado ang southbound lane pero isasanguni pa ito sa mga maaapektuhang local government units.
Kabilang na rito ang Maynila, Pasay at Paranaque.
Ayon sa DPWH tatagal lang naman ng dalawang buwan ang pagkukumpuni pero kailangan nang masimulan sa lalong madaling panahon.
Meanne Corvera