Southbound portion ng Quirino Bridge II sa Paco, Maynila, maaari nang daanan ng mga motorista

 

Maaari na muling daanan ng mga motorista ang southbound portion ng Quirino Bridge II sa Paco, Maynila matapos isailalim sa ilang buwang rehabilitasyon at pagpapatibay.

Pinangunahan nina DPWH Secretary Mark Villar at DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro ang re-opening ng tulay na isinara noong Mayo.

Ang muling pagbubukas ng southbound portion ay para bigyang daan naman ang pagsisimula ng reconstruction ng northbound portion ng tulay.

May habang 27.04 meters ang southbound portion ng Quirino Bridge II, may lapad na 3.5 meters ang bawat tatlong lane at may 1-metrong lapad na sidewalk.

Sinabi ni Villar na mahalaga na matapos nila ang reconstruction ng tulay kasabay ng mas matinding trapiko sa huling quarter ng taon.

Ang Quirino Bridge II ay bahagi ng Circumferential Road II na nag-uugnay sa mga lungsod ng Manynila, Pasay, Makati at bahagi ng central at eastern side ng Metro Manila tulad ng mga lungsod ng Quezon, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina pati na ng lalawigan ng Rizal.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *