Southern China binabayo ng bagyong Saola matapos manalasa sa Hong Kong
Binabayo ngayon ang southern China ng bagyong Saola, na bagama’t humina ay may dala pa ring banta makaraang manalasa sa Hong Kong.
Milyun-milyong katao sa Hong Kong, Shenzhen at iba pang malalaking siyudad sa timog ng China, ang naghanda sa bagyo na nasa kategorya ng isang “super typhoon.”
Ayon sa National Meteorological Center ng China, ang bagyong Saola ay naglandfall humigit-kumulang alas-3:30 kaninang madaling araw, sa timog ng Zhuhai city sa Guangdong province, na nasa timog ng Macau.
This handout photo released from the Hong Kong government’s Information Services Department (ISD) shows Super Typhoon Saola as seen from the Government Flying Service’s CL605 fixed-wing aircraft on September 1, 2023. Super Typhoon Saola threatened southern China on September 1 with some of the strongest winds the region has endured, forcing the megacities of Hong Kong and Shenzhen to effectively shut down. (Photo by Handout / INFORMATION SERVICES DEPARTMENT / AFP)
Higit sa 880,000 katao ang inilikas sa dalawang lalawigan sa China bago pa maglandfall si Saola, at daan-daang flights ang nakansela sa buong rehiyon, habang nabunot naman ang mga puno sa paligid ng mga kalsada sa Hong Kong.
Sa pagtaya ng national weather office ng China, ang bagyong Saola ay maaaring maging ang pinakamalakas na bagyong naglandfall sa Pearl River Delta simula noong 1949, na ang tinutukoy ay ang low-lying region na kinabibilangan ng Hong Kong, Macau at malaking bahagi ng Guangdong province.
At dahil sa posibilidad ng direktang pagtama ng bagyo, nitong Biyernes pa lamang ng gabi ay itinaas na ng mga awtoridad sa Hong Kong ang warning level sa pinakamataas, o sa “T10” na 16 na beses pa lamang na itinaas simula noong ikalawang digmaang pandaigdig bago ang bagyong Saola.
People run for cover from the rain and high winds brought by Super Typhoon Saola in Causeway Bay in Hong Kong on September 1, 2023. Super Typhoon Saola threatened southern China on September 1 with some of the strongest winds the region has endured, forcing the megacities of Hong Kong and Shenzhen to effectively shut down. (Photo by Mladen ANTONOV / AFP)
Pagdating ng alas-3:40 ng umaga, pagkatapos ng higit pitong oras sa ilalim ng T10 ay ibinaba ng Hong Kong ang lebel sa T8, subalit dahil sa mapanganib pa ring bugso ng hangin na aabot sa 139 kilometro o 86 na milya bawat oras, hinimok nila ang mga residente na maging mapagbantay.
Babala ng Hong Kong Observatory sa isang bulletin, “As gales and violent squalls are still occurring in places, precautions should not yet be relaxed. The maximum water level may reach a historical record, there will be serious flooding.”
Ang huling pagkakataon na ang Hong Kong ay nagpalabas ng isang T10 warning ay noong 2018, nang manalasa ang bagyong Mangkhut sa siyudad, sanhi upang masaktan ang higit sa 300 tao, mawasak ang mga puno at bumaha.
A car drives near a tree unrooted by high winds brought by Super Typhoon Saola in Causeway Bay in Hong Kong on September 1, 2023. Super Typhoon Saola threatened southern China on September 1 with some of the strongest winds the region has endured, forcing the megacities of Hong Kong and Shenzhen to effectively shut down. (Photo by Mladen ANTONOV / AFP)
Sa mainland China, ang Mangkhut ay ikinamatay ng anim na katao at nakaapekto sa buhay ng mahigit sa tatlong milyong iba pa.
Sa buong mainland border sa katabing Guangdong province, ay inilikas ng mga awtoridad ang mahigit sa 780,000 katao mula sa high-risk areas, habang sa eastern Fujian province naman ay higit sa 100,000 ang inilipat sa mas ligtas na lugar.
Sinuspinde rin ang biyahe ng tren papasok at palabas ng Guangdong hanggang alas-6:00 ng gabi ngayong Sabado, habang pinaigting na ng national flood defence agency ang kanilang emergency response for prevention sa second-highest level nito.
Ang Southern China ay malimit na dalawin ng mga bagyo tuwing summer at autumn, na nabubuo sa mainit na karagatan sa silangan ng Pilipinas at kumikilos pa-kanluran.
A woman walks past fallen tree branches due to strong winds from Super Typhoon Saola in Hong Kong on September 1, 2023. Super Typhoon Saola threatened southern China on September 1 with some of the strongest winds the region has endured, forcing the megacities of Hong Kong and Shenzhen to effectively shut down. (Photo by ISAAC LAWRENCE / AFP)
Sa Hong Kong, nakatanggap ang mga awtoridad ng hindi bababa sa pitong kumpirmadong kaso ng pagbaha, maging ng halos 40 ulat ng bumagsak na mga puno.
Iniulat naman ng mga awtoridad sa ospital sa siyudad, na pito katao ang humingi ng atensiyong medikal habang nananalasa ang bagyong Saola.
Sa low-lying fishing village ng Lei Yue Mun, na lantad sa pagbaha, pinasok na ng tubig ang mga tindahan, sanhi upang ang mga residente ay maglagay ng sandbags at harangan ang mga pintuan.