Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor city , Cavite pinasinayaan
Pinangunahan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang pagpapasinaya para sa karagdagang Gusali ng Southern Tagalog Regional Hospital o STRH sa Bacoor City, Cavite.
Ito ay ang Apat na palapag na Building 5 ay naitayo sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program.
Magsisilbi itong administrative Section ng STRH.
Nasa gusaling ito ang Cashier Section, Billing Section, PhilHealth, Information area, Admitting Section, Medical Records, Malasakit Section, at pitong wards na may tig-aapat na Bed Capacity.
Ayon kay Revilla,sa ngayon ay Level II Hospital ang STRH dahil sa 100 bed Capacity nito ngunit nais nilang maitaas ito sa Level III hospital upang magkaroon ng 300 Bed Capacity.
Sinabi ni Health OIC Secretary Maria Rosario vergeire na malaking tulong ito para sa may 4.5 million na residente ng Cavite at milyon milyong taga Region 5a.
Sa kasalukuyan raw kasi sa Batangas Medical Center pa magtutungo ang mga pasyente ng Region 4a o CALABARZON.
Maglalaan naman ng pondo si Revilla para sa pagbili ng MRI at dialysis machine para sa mga pasyenteng may ganitong karamdaman.
Meanne Corvera