SP Sotto at Senador Villar, nagkasagutan sa Senate hearing kaugnay sa isyu ng smuggling
Nagkasagutan sa pagdinig ng Senado sina Senate president Vicente Sotto III at Senador Cynthia Villar sa isyu ng smuggling.
Nag manifest kasi si Villar at kinuwestyon bakit hindi naiimbitahan si Act -CIS partylist representative Eric Yap.
Si Yap ang caretaker Congressman sa Benguet na nabanggit sa mga nagdaang pagdinig na umanoy dawit sa large scale smuggling ng mga agricultural products.
Sinabi ni Villar bilang Chairman ng Committee on Agriculture, nagpasabi sa kanya si Yap na dadalo pero hindi raw inimbitahan ng Committee of the whole.
Pati pagdinig ng Committee of the whole kinuwestyon ni Villar dahil na bypass raw ang kaniyang komite.
Pero sagot ni Sotto wala silang binypass at ang pagdinig ay batay sa resolusyon na inaprubahan ng mga miyembro.
Ngayon lang daw nila nalaman na nais humarap ni Yap.
Sa huli ay pinayagan na humarap si Yap sa pamamagitan ng online nang tanungin si Yap humingi naman ito ng paumanhin at inamin nitong humingi siya ng tulong para mabigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang kaniyang panig.
Meanne Corvera