SP Sotto, naghain ng resolusyon bilang pagkilala kay dating Pangulong Noynoy Aquino
Naghain ng resolusyon sa Senado si Senate President Vicente Sotto III bilang pagkilala at sa mga naiambag ng pumanaw na dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Sa resolusyon, tinukoy ni Sotto ang ilan sa mga achievements ng administrasyon ng dating Pangulo.
Kabilang na rito ang pagkakapanalo sa Arbitration Case sa China sa isyu ng West Philippine Sea at ang paglago ng ekonomiya.
Sa ilalim aniya ng anim na taon ni PNoy, tumaas sa 6.2 percent ang gross domestic product ng bansa at dito rin nakapagtala ng pinakamababang inflation rate na pumalo sa 1.4 percent.
Nakakuha aniya ang Pilipinas noon ng four rating credit upgrade at nakapagtala ng mas maraming foreign direct investment.
Nakalaloob rin sa resolusyon ang pagkilala sa programa ng Aquino administration para mabawasan ang mahihirap sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
SP Sotto: “The untimely death of a true-blue Atenean who had lived his life with honesty, integrity, and simplicity so that others may simply live is a great loss not only to his family but to the Filipino nation as well, particularly those whose lives had touched“.
Bilang dating Senador, isa ito sa mga nagsulong ng batas laban sa korapsyon.
Ilan sa mga naisabatas nito ay ang Budget Impoundment and Control Act, Preservation of Public Infrastructures Bill, at amyenda sa Government Procurement Act.
Author rin ito ng Sin Tax Reform Law, Philippine Competition Act, Enhanced Basic Education Act o K-12 Program, Domestic Workers Act o Batas Kasambahay, Cybercrime Prevention Act, Responsible Parenthood and Reproductive Health Act, at ang Tax Incentives Management and Transparency Act.
Isang kawalan aniya si Aquino na nagpakita ng malasakit at integridad sa mga Filipino.
Meanne Corvera