SP Vicente Sotto, umaasang aaksyunan ng Marcos Administration ang talamak na Agricultural smuggling
Nababahala raw si President Elect Bongbong Marcos sa talamak na smuggling ng mga Agricultural products kaya marahil nagdesisyon ito na siya mismo ang mangasiwa sa Department of Agriculture.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, isa ang isyung ito sa mga natalakay niya sa incoming president nang personal niya itong makausap.
Tumangging magdatelye si Sotto pero may alam na aniya si PBBM sa kaso ng smuggling lalo na sa mga sindikato at personalidad na dawit dito.
Umaasa ang Senador na aaksyunan ng susunod na administrasyon ang isyung ito lalo na ang smuggling at corruption na nadiskubre sa mga pagdinig ng Committee of the Whole ng Senado.
Kabilang na rito ang sobrang importasyon ng mga Agricultural products na pumapatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at ang raket ng mga opisyal sa Department of Agriculture kasabwat ang ilang taga Bureau of Customs.
Meanne Corvera