Spain, maglalaan ng €250,000 para sa judicial cooperation sa PHL Supreme Court
Paiigtingin pa ang kooperasyon sa pagitan ng hudikatura ng Pilipinas at Espanya.
Sa pagbisita ng Korte Suprema ng Pilipinas sa Spanish Supreme Court sa Malaga, Spain, sinabi ni Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Ultray Delgado na maglalaan ang pamahalaan ng Espanya ng €250,000 (Euro) katumbas ng mahigit ng 15 Milyong piso para sa judicial cooperation ng dalawang bansa.
Ang pondo ay ilalaan sa Capacity Building on Legal and Social Advancement (CALESA) Erasmus + Project.
Ang grant ay mula sa Spanish Agency for International Development Cooperation.
Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Spain na ang bahagi nito ay para ituloy ang mga programa ng CALESA gaya ng pagsasalin ng mga research Spanish legal material sa Ingles.
Umaasa ang dalawang bansa sa mas marami at madalas na pagpapalitan ng mga ideya upang mapagbuti ang parehong judicial system ng Pilipinas at Espanya na may shared history at legal traditions.
Moira Encina