Spay and neuter, bakit mahalaga kay doggy at kitty

Magandang araw po sa lahat! Meron ba kayong alagang pusa o aso, o pareho kaya? BIlang isang pet owner may mahalaga kaming ipaaalala sa inyo, at ito ay may kinalaman sa spay and neuter o pagkapon sa aso at pusa.

Narito ang mga ibinahaging kaalaman ni Dr. Reign Zander Castro, isang veterinarian. Napakarami aniyang benepisyo ang spay and neuter o pagkakapon sa aso at pusa kung saan tinatanggal ang kanilang reproductive organs.


Sa lalaki ay inaalis ang scrotum o itlog, at sa babae ay ang ovary. Bakit ito ginagawa, gaano ba ito kaimportante?

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa benepisyo ayon kay Doc Reign …

  • Kapag ang pusa ay mahilig gumala (posibleng dahil naghahanap ng ‘mate ‘ pero kapag kinapon, nakatutulong ito para mabawasan ang problema sa aksidente at kalusugan.
  • Nababawasan din ang panganib ng kanser lalo na sa mammary cancer. Hindi lang kasi tao ang nagkaka-breast cancer, lalo na kapag tumatanda na ang alagang hayop.
  • By doing spay and neuter, narereduce ang pagkakaroon ng tumor at uterine problem. At kung sa tao may prostate cancer, ang aso ay may tinatawag na testicular cancer naman.
    -another benefit of spay and neuter, nababawasan ang pagdami ng kanilang populasyon. Sa ngayon, napakaraming mga aso at pusa sa lansangan, kapag kinakapon sila, nababawasan ang probability na mag–over populate.
    -isa pang benefit, napahahaba ang buhay ng aso at pusa, nakaiiwas din sa mga sakit.
  • sa isang pet owner, nababawasan po ang pagiging territorial ng inyong mga alaga. Ang aso at pusa ay territorial animals.

Dahil dito, hinihikayat ni Doc Reign na magkaroon ng sapat na kaalaman sa spay and neuter ang mga pet owner at makatulong sana ang mga benepisyong binanggit sa itaas na advantageous sa pets, community, at sa pet owners.

Siyanga pala, dagdag pa ni Doc Reign na ang pagkakapon sa asong lalaki ay isang minor procedure lamang habang sa female naman ay major procedure. Sa lalaki kasi, testicle lamang ang tatanggalin, habang sa babae ay surgical (abdominal approach).

Sana ay makatulong ang mga impormasyong ito sa lahat ng ating mga kapitbahay lalo na ang mga pet owner.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *