Special Asst. to the President Bong Go, nanindigang inosente siya sa navy frigate project ng Philippine Navy
Nanindigan si Special Assistant to the President Christopher Bong Go
na hindi sya nakiaalam para mapabilis ang 15.7 billion frigate
procurement project ng Philippine Navy.
Sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate committee on Defense and
Security, igiiniit ni Go na inosente sya at idinamay lang sa
isyu para siraan ang Duterte administration.
Humarap aniya siya sa imbestigasyon para patunayan na ang pagkakadawit
niya sa isyu ay resulta lamang ng umano ng iresponsableng pagbabalita
ng Rappler at Inquirer.
Bong Go:
“I did not intervene in the acquisition of the two frigates by the DND
(Department of National Defense) nor interfere in the selection of its
combat management system. That being said, I have no reason to cower
and hide behind an executive session. I’m ready and willing to face
all these accusations in a Public hearing”.
Iginiit ni Bong Go na walang dahilan para makielam siya sa pagpili ng
Combat Management System at hindi niya gagamitin ang executive session
ng Senado para magtago.
Paliwanag ni Go, wala siyang pinakikielaman o binago sa Navy frigate
project dahil done deal na itong noong Aquino administration.
“Tapos na po ito sa panahon ng Aquino Administration. Walang nabago,
walang _binago, walanq nakialam at walang pinakialaman sa
kontrata. Pangit man pakinggan, pero matatawag po na photo finish
ang kontrata 1 dahil hinabol po ito bago matapos ang Aquino
Administration. Inosente at idinamay lang po ako sa isyung ito upang
siraan ang administrasyon ni Pangulong Duterte”.
Malinaw aniya ang utos ng Pangulo na hindi dapat tanggapin sa saan
mang tanggapan ng gobyerno ang anumang rekomendasyon sa lahat ng
kontrata at proyekto at kung itoy mangagaling sa pangulo o mga
miyembro ng pamily nito.
“Sana lahat ng gumagamit ng pangalan namin denied na yun. Walang
manloloko kung walang magpapaloko. Huwag silang maniwala agad”.
Samantala, ibinunyag naman ni Senador Panfilo Lacson na blacklisted at
may kinakaharap na kaso sa Korea ang contractor ng Navy frigate na
Hyundai heavy industries o HHI.
Sa pagdinig, kinastigo ni Lacson ang representative ng HHI na si
Sandra Han dahil hindi ipinaalam sa armed forces of the Philippines o
Department of national defense ang kinakaharap na kaso.
Katwiran ng kumpanya, hindi nila obligasyon na ipaalam ito sa
Philippine government na hindi naman kinagat ni Lacson.
Sa kabila ng kontrobersiya, nanindgan si Defense Secretary Delfin
Lorenzana na itutuloy pa rin ang proyekto dahil kailangan ito ng
Philippine Navy.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ====