Special Asst. to the President Bong Go, tuloy sa pagdalo sa Senate hearing ng Frigate deal sa Lunes- Malakanyang
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson harry Roque na isa siya sa mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtutungo sa Senado sa Lunes para suportahan si Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Ayon kay Roque,magbibigay ng moral support ang mga miyembro ng gabinete sa pagharap ni Bong Go sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng Frigate deal ng Philippine Navy.
Una nang isinangkot ang pangalan ni Bong Go na umano’y nakielam sa Frigate deal na mariin naman nitong itinanggi dahil panahon pa ng Aquino administration nang may nanalo sa bidding para sa 2 frigate warship na nagkakahalaga ng 15 bilyong piso.
Bukod kay Go, haharap din sa Senate inquiry si Defense secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Roque, aasahang panonoorin ni Pangulong Duterte ang Senate hearing sa Lunes.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===