Special commercial flights para sa mga stranded Filipino, pinayagan nang makapasok sa bansa
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga special commercial flight para sa mga Filipinong stranded sa ibang bansa dahil sa umiiral na travel restrictions.
Ito ay upang makauwi na ang mga stranded nating kababayan mula sa iba’t-ibang mga bansa gaya ng Oman, Dubai, Abu Dhabi, at iba pang bansa na mayroong travel restrictions.
Gayunman, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na dapat ay alinsunod ito sa guidelines at clearance mula sa special working group (swg).
Ang special working group ay binubuo ng Department of Health (Philippines), the Bureau of Quarantine, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Transportation (DOTr), Philippine Coast Guard at Department of Tourism (DOT) sa pakikipag-ugnayan din sa mga concerned airlines.
Bago makapasok sa bansa, ang special flight ay dapat na inaprubahan ng SWG at dapat ito ay eksklusibo para sa mga Filipino.