Special treatment sa mga Government officials lalu na sa mga paliparan, dapat nang alisin

Panahon na para alisin ang anumang uri ng special treatment na ibinibigay sa mga opisyal ng pamahalaan lalo na sa mga paliparan.

Binigyang-diin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III dapat ay sumunod lalo na sa safety protocol ang lahat para sa kaligtasan na rin ng publiko.

Reaksyon ito ni Sotto na nag-viral na video ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertis kung saan makikitang kinakastigo nito ang isang airport personnel.

Nangyayari umano ang nasabing mga insidente dahil sa ibinibigay na VIP card sa ilang mga indibiduwal na kadalasan namang nauuwi lang sa pang-aabuso.

Senador Sotto:
“Pag kailangang alisin ang sapatos, pati suot kong situron, jacket, inaalis ko. As a matter of fact, dapat kasi ang attitude natin, i don’t mean to disrespect anyone, kaming mga Public officials, sapat, ang totoo noon, kami ang alila. Hindi naman kami ang boss dapat. Ang boss nya, ang taong bayan. Kung ano yung mga policies na sinusunod ng mga kababayan natin, sundin natin.  That’s precisely why i drive my own car, i follow the traffic rules”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *