SPES beneficiaries, tumanggap na ng sahod
SPES beneficiaries, tumanggap na ng sahod
Sinimulan nang ipamahagi sa mga benipisyaryo ng SPES o Special Employment For Students ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) at local government unit (LGU) ng Masinloc, ang 60% ng kanilang sahod.
Mula ito sa 2.6 million pesos na budget ng pamahalaang bayan ng Masinloc, habang ang 40% naman ay mula sa DOLE na higit 1.7 million pesos.
Kaugnay ito ng 20 araw na pagtatrabaho ng SPES beneficiaries.
May 916 na mga estudyante ang natulungan ng SPES, hindi lamang sa pinansiyal nilang pangangailangan kundi maging sa paghahanda nila sa pagkakaroon ng isang magandang kinabukasan.
Taun-taon ay nadaragdagan ang bilang ng mga estudyanteng natutulungan ng ng nabanggit na programa, sa tulong na rin ng alkalde at ng pamahalaang bayan ng Masinloc.
Mayvel Tugbo