‘Spider-Man: No Way Home’ director Jon Watts, hindi na babalik para sa ‘Fantastic Four’ ng Marvel
Hindi na si Jon Watts ang magdi-direk sa upcoming Fantastic Four film ng Marvel. Si Watts ang direktor ng Spider-Man: No Way Home.
Kinumpirma ng Deadline and Entertainment Weekly, na nais ni Watts na magkaroon ng “short break” mula sa “superhero realm” makaraang makumpleto ang Spider-Man trilogy kasama ni Tom Holland at Zendaya. Inaasahang muling magkakasama sina Watts, Holland at Zendaya para sa susunod na entry ng Spider-Man franchise.
Ayon kay Watts . . . “Making three Spider-Man films was an incredible and life-changing experience for me. I’m eternally grateful to have been a part of the Marvel Cinematic Universe for seven years. I’m hopeful we’ll work together again, and I can’t wait to see the amazing vision for Fantastic Four brought to life.”
Sa isang joint statement, ay pinasalamatan naman ng Marvel Studios President na si Kevin Feige at co-president na si Louis D’Esposito si Watts para sa kaniyang efforts sa Spider-Man films, kung saan tinawag nilang “true pleasure” ang kanilang kolaborasyon.
Ayon kay Feige at D’Esposito . . . “We were looking forward to continuing our work with him to bring the Fantastic Four into the MCU but understand and are supportive of his reasons for stepping away. We are optimistic that we will have the opportunity to work together again at some point down the road.”
Unang ibinunyag ng Marvel na idi-direk ni Watts ang ikatlong feature ng Fantastic Four franchise — at ang una simula nang makuha ng Disney ang Fox, na kumokontrol sa franchise — noong Disyembre 2020 sa isang Disney investor presentation.
Ginugol ni Watts ang malaking bahagi ng nakalipas na dekada sa pagdi-direk at pagpo-promote sa Spider-Man films matapos siyang kuning direktor sa Cop Car, isang small-budget indie thriller na unang ipinalabas sa Sundance noong 2015.